Search lyrics

Typing something do you want to search. Exam: Artist, Song, Album,Writer, Release Year...
if you want to find exactly, Please input keywords with double-quote or using multi keywords. Exam: "Keyword 1" "Keyword 2"

Singles


Artist: Mocks Wun
Total songs: 1
Year:

List songs in album

  1. Pagpapakumbaba

Pagpapakumbaba Lyrics - Singles - Mocks Wun

Verse 1: 

 

Mocks Wun 

 

sa pagpanik ng hagdan bawat hakbang ay yuyuko 

pag ang palay lumaki yan/ ay kusang yuyuko 

ang di marunong yumuko mauuntog/ yan balang araw 

magkakabukol ang hambog/ sa araw ay masisilaw 

 

na mas mataas, mas malakas at mas mainit ang sikat 

wag UMAStang mataas kung mas mainit pa ang sinat 

sayo isinga mo para lumabas ang init at dina mabinat 

dina kumalat ang hangin na sa anit sumambulat 

 

na sa ulo mo kaya nabalutan ka ng kapalaluan 

sina ulo mo ang sarili mong kapurihan 

ang langis ng kayabangan pinahid sa katawan 

pumili ka ng yayabangan yung marunong magyabang 

 

walang agimat ang alamat nakatapat yan sa karapatdapat 

kalabaw man ang balat babaon pag nasibat 

ng karma na tapat ibibigay kung anong dapat 

sumbat ang maririnig ng mga nag mamaangat 

 

Chorus: 

wag kang lumipad ng mataas kasi basa pa ang papak 

maghintay kang lumakas para di ka bumagsak 

wag kang mauna sa takbo ng kapalaran mo 

ang araw ay sisikat din para sayo 

 

Verse 2: 

 

Mocks Wun 

 

paano ka magiging mayaman na katulad ng negosyante 

kung bilang namamasukan lantad ang pagka-arogante 

di na bale kung ignorante basta alam san ang byahe 

di yung alam mo kunware tapos maliligaw ka pare 

 

para intelehente kang masabi ika'y nagmamarunong 

impormasyon mo puro peke parang news sa kuratong 

pagbabago ang permanente taas baba parang gulong 

parang pinoy na dina komportable pagnakasuot na ng barong 

 

kaya kung ika'y nasa taas wag kang maghangin 

kahit gaano ka kataas ay bababa ka rin 

wag masyadong mag angas baka mabigla ka rin 

ang matapakan mo'y malakas na kaya kang baligtarin 

 

nakaakyat kalang sa ikawalang palapag wala ka sa tore 

1 point direct to the card ang dagdag di ka honor pre 

pinuno ka ng mga may pantalon na tagtag di ka presidente 

sa sobrang taas mo di kana makalapag, aabutin mo aksidente 

 

Chorus: 

wag kang lumipad ng mataas kasi basa pa ang papak 

maghintay kang lumakas para di ka bumagsak 

wag kang mauna sa takbo ng kapalaran mo 

ang araw ay sisikat din para sayo 

 

Verse3: 

 

Verse One 

 

Kung nasan man ako ngayon utang ko'to sa inyo 

kayo ang nagpakinang sa lumang pangalan ko 

pag ako'y kumakanta tinuturin nyo'kong tala 

ang di nyo lang alam ako ay inyong tagahanga 

 

lagi nyong sinasabi na ako'y inyong idol 

idol narin daw ako ng bomba kong ka-eyeball 

kayo ang maysabi nyan oo minsan ramdam ko 

na ang turing nyo saakin ngayon mamahaling ginto 

 

pero diba alam nyo na ang dating ako'y ako lang 

kung sumikat salamat kung hindi deretso lang 

ang gusto ko'y umawi sumulat ng kanta 

kung sakaling swerte nga makasulat din ng pirma 

 

at makasakay sa ereplanong walang papak 

sumayaw kasabay ng mga tunay na palakpak 

yan lang po ang sagot ko sa maraming tanong ninyo 

kung nasan man ako ngayon ito'y utang ko sa inyo 

 

Chorus: 

wag kang lumipad ng mataas kasi basa pa ang papak 

maghintay kang lumakas para di ka bumagsak 

wag kang mauna sa takbo ng kapalaran mo 

ang araw ay sisikat din para sayo (2x)