Search lyrics

Typing something do you want to search. Exam: Artist, Song, Album,Writer, Release Year...
if you want to find exactly, Please input keywords with double-quote or using multi keywords. Exam: "Keyword 1" "Keyword 2"

J. Cipher

Genres: Other

Industriya Lyrics - J. Cipher

Verse 1: 

Kapag ba tayo'y nag-away malaki ang inaalay 

O sumisira ng pundasyon nagmimistulang anay 

Para ba sa industriya kinakailangan na mag-hatakan 

imbes na tayo'y mag-tulungan sa pag-akyat ng hagdan 

Bakit nga ba ganto ang dami nang naloloko 

Nagdedepensa ng puwesto kahit wala namang trono 

na dapat agawin ultimo lahat tatahakin 

Siya na ang malupet siya nang hindi kayang wasakin 

 

Related 

 

The 18 Greatest Revenge Songs of All Time 

 

HOT SONG: Dan + Shay, Justin Bieber - '10,000 Hours' - LYRICS 

 

POPULAR SONG: Travis Scott 'HIGHEST IN THE ROOM' - LYRICS 

 

Antutulis ng dila sa lalim hindi mo mahila 

Handang maghintay sa pila basta lang makatira 

Ikinatutuwa mo pang makasakit sa'yong pang aasar 

Mga ganyang ugali wala na yang pag-asa par 

Paanghangan ng bibig daig pa kumain ng sili 

Pag ginantihan ng tadhana sa sarili rin ang sisi 

Ano ba ang aking punto hindi ka pa rin natuto 

Pumanig sa pakikipag-ayos nang umabot ka pa sa dulo 

 

Verse 2: 

Umibig ako sa larangang 'to kaya ito'y naisulat 

Huwag puro bibig buksan ang tainga matay imulat 

Asar dito asar 'don away dito away 'don 

Huwag kang magtataka tingin ng iba sa hip-hop ay patapon 

Ngayon ang dami kong kagaya na nagsasagip sa eksena 

Rumerespeto sa mga bago pati sa mga una 

sa industriyang 'to alam nating walang malabo 

basta tayo'y nagkakaisa at walang panggagago 

 

Check Out 

 

HOT SONG: XXXTENTACION - 'Royalty' - LYRICS ft. Ky-Mani Marley, Stefflon Don & Vybz Kartel 

 

11 Delicious Misheard Lyrics About Food 

 

NEW SONG: DaBaby - 'Vibez' - LYRICS 

 

15 Huge Stars Who Were Backup Singers First 

 

Linya ko para sa mga nagbabalak na gumasgas 

sasakyan ng pag-unlad ang aking dala huwag kang umangkas 

Saludo ako sa mga gumagawa ng obra na paspas 

Kahit pagod sinisingit sa trabaho walang pass 

Sa makabagong panahon na to ang dami nang nagbago 

pagkakaiba ng kategorya wala na ring dehado 

Kaya sa daan na tatahakin palaging tuloy lang tayo 

Para sa industriya dapat lang magkakasundo tayo