Search lyrics

Typing something do you want to search. Exam: Artist, Song, Album,Writer, Release Year...
if you want to find exactly, Please input keywords with double-quote or using multi keywords. Exam: "Keyword 1" "Keyword 2"

Augustine Rib

Genres: Other

Balikbayan Lyrics - Augustine Rib

(Verse 1) 

Sa Unang pag alis ko nung batang musmosin palang 

Kahit batikosin O kunin ng mga banyaga walang 

Tutol na lumisan mula sa hawlang kinalalagyan 

Sa ganung edad tumbang preso at hulihan lang alam 

 

Unti unti na tumubo utak puso lumago 

Aking nakilala katutubo't pagbibilang sa sampo 

Di sa pag bubuhat bangko halaga naiangat ko 

Lalaban kung may kwekwestyon sakin na minahal mo 

 

Ba ang bansa na 'yong iniwan paksa ngayon ay pano 

Papantayin mga basong nabuhos at nilamon 

Ng mga araw na lumipas, walang tigil kung hinipan 

Ang lobo upang makita san man sa globo hanapin 

 

Pinagmamalaki, hindi nagmamagaling 

Di mo mahanap kung di binalak mga sugat unti unting gamotin 

Kaya ang sarili dapat unang tanungin 

Pano matototonan mga ayaw alamin 

Balikbayan, hindi paligsahan o paramihan ng kayamanan 

Ito ang 

 

(Chorus) x 2 

Ito and byaheng, pabalik sa amin 

Ilang taon man dumaan, kahit lakarin 

Para sa luto ni lola 

Kulitan ng tropa 

Pati magpipinsan 

Perlas ng Silangan 

 

(Verse 2) 

Animo'y parang naka lutang mga paa kung maglakad 

Napa-lapit nung lumayo sa lugar na pinag mulan 

Wag nang pigilan ang buhanging nasa loob ng orasa 

Umarangkada, kilalanin si Maria Clara 

 

Ang tungkoling malalim di sa tao nanggaling 

Walang bantay, tagahuli, kunsensya lang sa sarili 

Hindi hinahabol papuri kaya salamat nalang 

Wala rin namang mapapala sa pag yayabang 

 

Pag pinikit mga mata dama di man lapitan 

Rinig at makikilala pagngiting abot sa tenga 

Sa halip na mangulila ay kumilos ka na tila 

Ang utos nilay pakilala kung anu ang dala mong bandila 

 

Habolin mga sandali hindi sa pag mamadali 

Dahil di kayang mabili payapang tulog sa gabi 

Handang sumugod at tumulong di na kelangan tanungin 

Respeto ko sa mga ninuno kung yun rin ang gagawin 

Ito ang 

 

(Chorus) x 2 

Ito and byaheng, pabalik sa amin 

Ilang taon man dumaan, kahit lakarin 

Para sa luto ni lola 

Kulitan ng tropa 

Pati magpipinsan 

Perlas ng Silangan 

Copyright: Song Discussions Is Protected By U.s. Patent 9401941. Other Patents Pending.